Monday, February 1, 2010

Paghihintay


aka Quiet Time

magpupuyat ako
ako’y maghihintay
dahil ako’y nananabik
na ika’y masilayan

sa harap ng kandila
 sa gitna ng dilim
sa naubos na lakas
sa iyo’y hihimlay

ang pusong tahimik
sa iyong pagdaa’y magaabang
at sayong pagdating
buong galak kang sasalubungin

pagkat inaasam ay ikaw lang
makasama ka’y tanging kahilingan
sa iyong balikat ako’y mahihimbing
hanggang muling mag-alay
sa umagang parating.



No comments:

Post a Comment